8,796

May 30, 2019 @ 11:00
By

Dahil sa death threat, drug issue, depresyon: Loonie pahinga muna

Hindi muna maririnig sa mga gig at iba pang event ang sikat na rapper/FlipTop artist na si Loonie.

Ayon sa statement ng kanyang kapatid at manager na si Idyll Li Peroramas, off the grid o magpapahinga muna sa entertainment scene dahil sa ilang dahilan.

Unang sinabi ni Idyll na nakatanggap umano si Loonie, Marlon Peroramas sa tunay na buhay, ng mga banta sa kanyang buhay. Noong 2011 ay nasaksak ito ng isang nagkukunwaring fan at alam na umano nila ang pagkakakilanlan ng nasabing suspek.

Saad din na nakatanggap din sila ng death threat na aatakehin daw si Loonie matapos ang Ramadan.

Iwas din muna si Loonie sa pagsagot sa annulment issue nito.

Ikatlo ay ang pag-akusa sa rapper na gumagamit ng shabu, na mariing pinabulaanan ng kapatid nito.

“It’s so easy for these people to carelessly accuse known celebrities and even politicians, without even thinking that they are putting the life of the accused in danger, especially now with the government’s war on drugs,” ayon sa manager.

“Just because you can’t wrap your head around someone’s skills, confidence, or wealth; it doesn’t automatically mean that they engage in illegal activities.”

Ang huli ay ang nararasang depresyon ni Loonie, at hinihiling na ipagdasal ang rapper sa pagsubok na pinagdaraanan.

“Loonie is an open book. When he is ready and able, we look forward that he will share this season of his life and use his platform to inspire others toward recovery,” ayon sa pahayag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?