19

Oct 20, 2020 @ 12:27
By

Dahil sa COVID, mga tao lumabas tunay na kulay – Alessandra

May na-realize si Alessandra De Rossi habang kinahaharap ng mundo ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

“Grabe tong pandemic. Lumabas nga talaga lahat ng tunay na kulay ng mga tao,” sambit ng aktres sa Twitter kahapon.

“Yung mabuting tao, may ibubuti pa pala. Pero yung gahaman at walang malasakit, during this time, tinodo na nya! Congratulations!,” aniya pa.

Nang may magtanong kung tungkol ito kay MMDA spokesperson Celine Pialago, tumanggi si Alessandra at sinabing ito ay hango sa “personal experience” at “real life” niya.

“Pero kung sino na lang din makarelate, pwede na din,” banggit niya pa kalakip ang tumatawang emoji.

Maraming personalidad, kabilang sina Ogie Diaz at Enchong Dee, ang nainis kay Pialago matapos banatan ng huli ang mga sumisimpatya kay political detainee Reina Mae Nasino.

Bagaman umapela ay hindi pinayagan ng korte si Nasino na makasama at mapasuso ang kanyang anak matapos itong mailuwal noong Hulyo 1.

Hindi rin naabutan nang buhay ng political prisoner ang kanyang River at pinayagan lang ng korte na makalabas matapos nang mamatay ng sanggol dahil sa pulmonya, Oktubre 9.

Pinaikli rin mula tatlong araw patungong dalawang araw ang pagbisita ni Reina kay River, dahil apela ng Manila City Jail ay kulang umano sila sa tao para bantayan si Nasino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?