31

May 7, 2020 @ 14:58
By

Dahil sa COVID, lugi ng paliparan higit P1B na

Tinatayang nasa isang bilyong piso na ang naluging kita ng paliparan, ayon sa Manila International Airport Authority, dahil sa halos-2 buwang anti-coronavirus lockdown.

Sakop nito ang pagkalugi ng Ninoy Aquino International Airport sa mga buwan ng Marso at Abril, kung kailan sinailalim ang Luzon sa enhanced community quarantine at pinagbawal ang land, sea at air travel.

“Tumatala na po kami ng almost mahigit po P1 billion sa losses sa revenue ng ating paliparan,” wika ni MIAA general manager Ed Monreal sa isang virtual press briefing, Huwebes.

“Medyo malaki po ang kawalan ng ating paliparan,” dagdag niya.

Sa ngayon, “wishful thinking” muna umano ang air travel.

“Siguro we have to build po the passenger confidence when it comes to travel,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?