69

Mar 7, 2020 @ 22:40
By

Dahil sa COVID-19: Sunday Prayer ni Pope Francis ila-livestream

Ibo-broadcast na lang via livestream ng Vatican News ang Sunday Angelus Prayer ni Pope Francis sa Saint Peter’s Square dahil sa banta ng coronavirus (COVID-19).

“The prayer will be broadcast via livestream by Vatican News and on screens in Saint Peter’s Square,” saad ng Vatican sa NDTV.com.

Ang naturang livestream ay ire-record sa library ng Apostolic Palace.

Magugunitang mahigit isang linggong hindi nasilayan ang 83-anyos na Santo Papa matapos itong magkasakit.

Lumabas sa mga test na isinagawa sa kanya na negatibo siya sa coronavirus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?