94

Feb 25, 2020 @ 18:35
By

Dahil sa COVID 19: Kumpisal isusulat na lang

Maaari umanong isulat na lang sa papel ng mga deboto ang gagawin nilang kumpisal sa pari o pag-amin sa nagawang kasalanan.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo David, puwedeng isulat sa papel ng mga magkukumpisal ang kanilang kasalanan saka ito ibibigay nang personal sa pari matapos magdasal ng, “Bless me, Father for I have sinned…”

Kadalasang ginagawa ang pagkukumpisal sa loob ng confessional box kung saan nagsusuot ang mga pari at nagkukumpisal ng protective mask.

Sa Miyerkoles, Pebrero 26 ang Ash Wednesday.

Hudyat ito ng pagsisimula ng Lenten Season o Kuwaresma ng mga Katoliko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?