83

Mar 27, 2021 @ 12:37
By

Dahil sa choke, pustahan post: Yawi pinarusahan, Z4pnu suspendido

Sinampolan ng Mobile Legends Professional League (MPL) ang lang player na lumabag sa kanilang rules dahil sa ilang social media post ang pang-aasar sa kapwa player.

Sa nilabas na pahayag ng MPL-PH, sinabi na kaniilang inimbestigahan ang ilang player at nakitang lumabag sa Section 13.2 o unprofessional behavior ng tournament.

Dahil dito ay pinarusahan na ang ilang player, ngunit hindi nilabas ang mga pangalan ng mga kasama sa pagkastigo ng MPL-PH.

Ngunit sa Youtube video ni Billy Alfonso, na kilala bilang Z4pnu, kinumpirma niya na nasuspende siya matapos mag-aya ng pustahan sa social media.

Sa laban ng Nexplay kontra BREN Esports, nag-post si Z4pnu ng, “200k ako sa NXP sino papalag?”

“Mas mahigpit lang talaga siguro ngayon kasi talagang na-warning-an ako. Hindi lang warning. Talagang suspended ako.” ayon sa vlog ni Z4pnu ng Execration.

sa hiwalay naman ng Nexplay coach na si Akosi Dogie, sinabi nito na ang kanilang tank player na si Yawi ay pinagmulta din ng MPL.

Ito’y kasunod ng ‘choke’ sign na ginawa ni Yawi matapos nilang matalo ang BREN, na mahigpit nang pinagbabawal sa MPL.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?