37

Nov 18, 2021 @ 16:23
By

Dahil sa challenge: ‘Dream body’ na-achieve ni Kim Rodriguez

Dahil sa isang weight-loss challenge, mapapanganga na lamang ang makakakita sa Kapuso actress na si Kim Rodriguez dahil lalo itong sumeksi pa.

Sa kanyang huling IG post, makikitang may abs na ngayon si Kim, bagay na hindi maaaninag sa mga dati niyang larawan.

Ngunit kwento ni Kim, ang pag-achieve niya sa kanyang dream body ay bunga ng isang weight-loss challenge, kung saan siya ay natalo.

“Someone challenged me to lose 7kg in 1 month and I was 57kg that time,” kwento ni Kim sa caption.

“Every time I lose 1kg, I will get 20k, so if I lose 7kg, I will get 140k. If I won’t reach the goal, ako yung magbabayad kaya halos lahat ng gym naikot ko.”

Aniya, nitong Nobyembre 16 ang huling araw ng challenge at tatlong kilo lang ang nabawas sa timbang niya.

“I lost the challenge, however, I think I still won because I reached this dream body that I have now,” saad ng young actress. “I’m so proud of myself, even I lost the challenge I know that I gave my best. “

May mensahe rin si Kim sa kanyang mga follower na may pangarap sa buhay.

“Kaya guys, don’t lose hope, give your best shot but don’t be so hard on yourself. You are reaching your goal, slowly but surely,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?