485

Dec 20, 2018 @ 19:28
By

Dahil sa ama na maysakit: Pamilya ni Ken Chan hindi magarbo ang Pasko

Malaki ang nabago sa nakasanayan na Pasko ng pamilya ni Kapuso actor at bida ng My Special Tatay na si Ken Chan. Mahilig daw silang kumain ng kung anu-ano tuwing sasapit ang Pasko at mahilig silang mamasyal noon.

Pero dahil sa naging sakit ng ama ni Ken, mukhang sa bahay na lang daw sila this year at magiging maingat sila magiging handa nila sa Noche Buena.

Sa taong ito kasi na-diagnose na may stage 2 esophageal cancer ang kanyang ama kaya may certain food daw itong puwedeng kainin at may mga bawal.

Hindi rin daw ito puwedeng mapagod kaya wala silang ginawang planong pasyal ngayong Pasko.

“Malaki ang mababago sa Pasko namin dahil nga ina-adjust namin ang lahat para sa tatay namin. Gusto naming maging kumportable siya at ‘yung ma-feel pa rin niya na lagi namin siyang inaalagaan.

“Kung ano ang puwedeng niyang kainin, ‘yun na rin ang ihahanda namin para pare-pareho kaming lahat.”

Si Ken nga raw ang nagiging nurse ng kanyang ama kapag wala itong taping or mga shows na ginagawa.

“As much as possible, gusto kong makasama si tatay lalo na noong kine-chemotherapy siya. Ako nagpapainom ng gamot sa kanya, ako nagpupunas sa kanya.

“Siyempre, ang pinaka-wish ko ay ang tuluyan na paggaling ni Tatay. Gusto kong bumalik ‘yung dating sigla niya para magawa namin ulit ang mga activities ng family,” pagtapos pa ni Ken Chan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?