890
Dahil puro dayaan, PCSO licensed games stop na! - Duterte
Jul 27, 2019 @ 9:42
By

Dahil puro dayaan, PCSO licensed games stop na! – Duterte

Ipinatigil ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng gaming operations na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Philippne Charity Sweeptaskes Office (PCSO) kabilang na ang lotto, small time lottery (STL) , peryahan ng bayan at Keno.

Ang direktiba ay ginawa ni Pangulong Duterte Biyernes ng gabi dahil aniya sa talamak na katiwalian.

“I have today ordered the closure, the stoppage of all gaming schemes ,whatever nature , however done that got their franchises to do so from the PSCO. The ground is massive corruption involving all, “anang Pangulo.

Sinabi ng Pangulo na kailangang gawin nito ang hakbang dahil sa talamak na pandaraya sa mga tao, at pati kontrata ay ginawa para sa korapsiyon at pabor sa mga kimoanya at iilang tao.

” Wala akong magawa, i have to do it. I will not honor transactions that are clearly on the side of scheming the people of the republic of the Philippines of their money. Puro dayaan lahat, at yung mga kontrata ay parang drafted in favor of corruption and to favor other corporations and people. I will not allow it,” dagdag pa ng Pangulo.

Hindi maitago ng Presidente ang matinding pagkadismaya habang nagsasalita sa kanyang video message at inihayag na hindi niya kikilalanin ang ano mang court order para hadlangan ang kanyang direktiba.

Sinabi ni Pangulong Duterte na paiimbestigahan niya ang talamak na korapsiyon sa PCSO at nagbigay ng 24 oras para alisin ang lahat ng gamling schemes sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.

“As of today I will not honor any order from any court stopping us, to stop our desire to go into a massive investigation from the massive corruption that is existing from the PCSO. Hinto lahat. Thats my order irrespective of the yung mga mga sinabi ko na court order,joining everybody to stop not to do or what to do, especially this government. Everybody has to stop,”wika pa ng Presidente.

Inatasan nito si Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde pati na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipatigil ang lahat ng gaming schemes at arestuhin ang mga hindi susunod sa kanyang utos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?