113
Dahil pinag-press con si “Bikoy”: IBP President Fajardo dapat mag-resign! – Calida
By

Dahil pinag-press con si “Bikoy”: IBP President Fajardo dapat mag-resign! – Calida

Hiningi ni Solicitor General Jose Calida ang pagbibitiw sa pwesto ni Integrated Bar of the Philippines President Abdiel Dan Elijah Fajardo sa pagpapahintulot kay Peter Joemel Advincula, nagpakilalang ‘Bikoy’, na mag-press conference sa kanilang opisina.

Ayon sa pahayag ni Calida, ginamit umano ni Fajardo ang kanyang posisyon para sa kanyang pansariling interes.

Sinusuportahan din ng solicitor general ang naging kritisismo ng Davao Chapter ng IBP dahil ginawa umanong ‘staging area’ ang kanilang ahensya para kay Bikoy.

“Fajardo has tuned the IBP into a highly politicized organization, when it should advance the rule of law and stand for truth and justice. He is a disgrace to the IBP,” ayon kay Calida.

“He does not to speak for all the members of the IBP. But his actions reflect badly on the organization and consequently, the legal profession.

Kinuwestiyon din ni Calida kung bakit pinayagang magpa-press conference si Bikoy gayong wakabg basehan ang mga kwento ni Advincula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?