10

Sep 13, 2021 @ 10:40

Dahil MECQ: LGU ng Malabon nagpamudmod ng mga nutrition package

Mahigit 90,000 indibidwal mula Malabon ang nabigyan ng mga nutrition package mula sa kanilang lokal na pamahalaan.

Anila, layunin nitong matulungan ang “food security” ng kanilang mga residente sa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ).

Ayon sa isang pahayag ng lokal na pamahalaan ng naturang lungsod, naglalaman ang “Kalinga sa Kalusugan” package ng kanin, mga gulay, itlog at iba pang mga pagkain.

Anila, nagmula rin ang mga produktong ginamit dito sa mga magsasakang naapektuhan ng pandemya.

Sa ngayon, may 18,820 COVID cases na ang Malabon — 17,236 dito ang gumaling at 580 naman ang nasawi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,