15

Sep 17, 2020 @ 19:10
By

Dahil matagal mawawala: Paul Lee gabi-gabi pagbibigyan si misis!

Lumabas na naman ang kapilyuhan ni Magnolia Pambansang Manok star Paul Lee.

Matapos ianunsyo ng PBA na kasado na ang dalawang buwan na bubble nila sa Clark, Pampanga, tila may ibang bagay pa sa isip ng dating UE varsity player.

Sa kanyang Instagram post, sinabi nito na gabi-gabi na niyang ‘pagbibigyan’ ang kanyang misis na si Rubie dahil matagal na naman silang mawawalay sa isa’t isa.

“Nung nalaman niya na babalik na ang PBA at 2 months akong mawawala, ganyan agad siya,” sey ni Lee sa larawan kung saan nakakapit at hinahalikan siya ng kanyang misis.

“Pagbigyan ko na request nito gabi gabi. Every night is a quality time,” aniya pa.

Sumagot naman si Rubie at sinabing matagal na raw ang picture na pinost ng basketbolista.

 

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?