54

Jun 16, 2022 @ 17:25
By

Dahil mahal na gas? Oil tanker tinangay sa Quezon

Na-hijack sa Sariaya, Quezon ngayong Huwebes ang isang oil tanker na naglalaman ng nasa 20,000 litro ng langis.

Ayon sa ulat, nahuli ang isa sa mga suspek na si Vincent Reyes.

Papunta sana ang oil tanker sa Lucena City ngayong Huwebes ng madaling araw nang harangin ni Reyes at ng kasamahan nitong si Philip Magtanggol.

Tinutukan umano ng baril ang drayber ng oil tanker tsaka ito pinababa sa trak. Agad na humingi ng tulong sa pulisya ang drayber nang iwanan siya ng mga suspek sa kalsada.

Iniwan naman ang oil tanker sa Barangay Manggalang-Bantilan at narekober ito ng mga awtoridad.

Nakita sa oil tanker ang cellphone ni Reyes, na naging daan para mahuli ito. Si Magtanggol na lang at ang isa pang alyas Joli ang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?