114

Oct 12, 2020 @ 10:17
By

Dahil lugi na, mga cruise ship kinakalas

Matapos hagupitin ng pandemyang COVID-19 ang global cruise industry, nilalansag ngayon ang mga cruise ship upang ibenta bilang scrap metal.

Sa ulat ng ABC, sinabing limang sasakyang-dagat na ang kinakalas ng libu-libong manggagawa sa Aliaga, Turkey.

Dumating na rin ang mga vessel mula Britain, Italya, at Amerika na tatanggal-tanggalin din doon.

Ayon kay Kamil Onal, chairperson ng isang ship recycling industrialists’ association, bago ang pandemya ay puro cargo at container ship ang laman ng mga ship-breaking yard sa Aliaga. Pero matapos ang pandemya ay marami na aniyang nilalansag na mga cruise ship.

Dagdag niya, mula sa 700,000 tonelada noong Enero ay tantiyang dadami ang reclaimed steel patungong 1.1 milyong tonelada sa Disyembre.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?