142
Kai Sotto sinungkit ang UAAP Jrs. MVP plum
Dec 17, 2019 @ 17:34
By

Dahil lalaro sa Mighty Sports: Kai delikado ba sa US NCAA?

Makakaapekto ba ang Mighty Sports stint ng 7-foot-2 phenom na si Kai Sotto para siya’y makatungtong sa top collegiate program sa US na NCAA?

Sagot ng Might Sports coach Charles Tiu ay wala naman umanong mangyayari at pupwede pa rin si Kai sa US NCAA kahit pa maglaro ito sa kanila.

“Just to be clear, this will not affect his NCAA eligibility at all. He is playing as an amateur,” saad ni Tiu.

Tinapik ng koponan si Kai para sa kanilang laro sa Dubai invitational meet, na ikinatuwa ni Tiu dahil sa pagsalang ng isang legit na NBA prospect sa kanilang koponan.

“I’ve seen his progress and his improvement and he gives us the presence of a local big guy,” ayon kay Tiu. “I think this will also be a good test for him to personally see how far he’s gone playing against imports and guys who are older than him.”

Isa si Sotto sa mga top prospect ng mga collegiate team tulad ng Kentucky, Georgia Tech at DePaul.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?