358
Dahil laglag ang OKC: Paul George nakarma! – Kyle Kuzma
Apr 24, 2019 @ 17:05
By

Dahil laglag ang OKC: Paul George nakarma! – Kyle Kuzma

Hindi pa rin maka-move on ang Los Angeles Lakers forward na si Kyle Kuzma sa pag-ayaw ni Oklahoma City Thunder star Paul George sa kanilang koponan.

Ilang sandali matapos ang pagkalaglag ng OKC sa serye kontra Portland Trailblazers, nag-post ng cryptic tweet si Kuzma na tila patama kay George.

Saad ng mga netizen, ang nasabing tweet ay para kay George na hindi pa makaabot sa second round ng playoffs buhat ng lumipat sa Thunder squad.

Si Damian Lillard ang nagsalpak ng pampanalong tres mula 37-feet, habang binabantayan ni George.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?