20

Dec 11, 2020 @ 13:16
By

Dahil kulelat Pinoy sa math, science, may krisis sa sistema ng edukasyon – Win

Ang mababang performance ng mga Pilipinong estudyante sa global assessment sa subject na mathematics at science sa Grade 4 ay patunay lang na may pangunahing krisis sa basic education sa bansa, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Ito’y matapos lumabas sa resulta ng 2019 Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA-PLM) at ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2018, dalawang global assessment kung saang nakakuha ng mababang marka ang mga Pilipinong mag-aaral sa elementary.

Sa Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) 2019, pagdating sa Science at Math, ang mga mag-aaral ng Grade 4 sa bansa ay napag-iiwanan ng mga mag-aaral sa ibang bansa.

Kulelat ang Pilipinas sa 58 na bansang sumali sa naturang assessment pagdating sa Math at Science.

Sabi ni Gatchalian, ipinapakita ng mga resulta ng pag-aaral na ito na ang sistema ng edukasyon sa bansa ay nasa ilalim ng krisis na hindi matutugunan ng “business as usual.”

“Ito ay isang matinding krisis. Nakkikilahok ang bansa sa mga global assessment upang masuri ang ating curriculum. Nakakalungkot na sa pangatlong pagkakataon ay bumagsak na naman ang Pilipinas. Dapat magsilbing hamon ito sa lahat,” panawagan ng senador.

Sa mga mag-aaral ng bansa na nakilahok sa TIMSS, walang nakakuha ng markang pasok sa “Advanced International Benchmark” (o may average score na 625) sa parehong Science at Math.

Ang “Advanced International Benchmark” para sa Math ay nagpapakita na may kakayahang ipaliwanag ng mag-aaral ang kanyang ‘reasoning’ at magamit ang kanyang pag-unawa at kaalaman sa mga komplikadong sitwasyon.

Sa Science naman, ang mag-aaral na nakapasa sa benchmark na ito ay may kakayahang ipakita ang kanyang kaalaman sa proseso ng scientific inquiry. Mayroon din siyang kakayahang maintindihan ang iba’t ibang sangay ng agham tulad ng buhay, pisikal na anyo, at Earth Sciences.

Ang TIMSS 2019 ay isang pagsusuring ginagawa ng International Association for the Evaluation of Educational Achievement (IEA) upang suriin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Grade 4 at Grade 8 pagdating sa Math at Science.

Sa pag-aaral na ito, sabi ni Gatchalian na ipinapakita ng pag-aaral na ito na kailangang magkaroon ng mas simple o streamlined na curriculum na layong bigyan ng tutok ang kakayahan ng mga mag-aaral sa Pagsulat, Pagbasa,

At para maiangat ang kalidad ng pagsasanay at edukasyon ng mga guro sa bansa, inihain ng senador ang Senate Bill No. 1887 o Teacher Education Council Act.

Layon nitong paigtingin ng panukalang batas ang ugnayan ng DepEd, Commission on Higher Education (CHED), at ng Professional Regulation Commission (PRC) upang i-reporma ang edukasyon ng mga guro sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?