49

Jan 8, 2020 @ 20:20

Dahil kay Trump, Cardi B gusto nang maging Nigerian

Mag-a-apply na umano ng Nigerian citizenship ang American rapper na si Cardi B sa gitna ng lumalalang tensiyon sa pagitan ng United States at Iran.

Nainis din ito kay American President Donald Trump na nag-utos ng pagpatay kay Iranian General Qassem Soleimani, kung kaya dumagsa ang memes tungkol sa posibleng pagkakaroon ng World War III.

“Naaaaa these memes are fuckin ?? ?but shit ain’t no joke ! Specially being from New York,” tweet ni Cardi, Enero 4.

“Its (sic) sad this man is putting Americans live in danger. Dumbest move Trump did till date …I’m filing for my Nigerian citizenship,” wika pa niya.

Bukas naman dito ang isang Nigerian official at sinabing “hindi na sila makapaghintay na tanggapin muli” ang rapper.


“@iamcardib . As one in charge of the Diaspora for Ngr, We can’t wait to receive you again. Our doors are open, sister. And you need to talk a walk through the Door of Return in Badagry . It’s an indescribable experience,” ani Abike Dabiri-Erewa sa Twitter, Enero 4 din.

Ngayong Miyerkoles, Enero 8, 2020, inamin ng Iran sa state TV nito na sila ang nagpadala ng siyam na missile attack sa Iraqi airbase na Ain al-Asad airbase, kung saan nakabase ang mga sundalong Amerikano, noong Martes ng hatinggabi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?