11,665

Sep 23, 2021 @ 12:32
By

Dahil kay mommy! Poe ibinunyag dahilan bakit ayaw ka-tandem si Isko

Ibinunyag ni Senadora Grace Poe na may kinalaman ang ermat niyang si Susan Roces kung bakit niya tinanggihan ang alok na maging running mate siya ni Manila Mayor Isko Moreno.

Sambit ng isang sourse sa Politiko, magagalit umano ang ina ng Senadora kapag tumakbo ito sa pagkabise presidente dahil kakalabanin niya si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na siyang itinuturing nilang pamilya,

May close relationship kasi ang dalawang angkan dahil pareho silang galing sa showbiz industry.

Nito lamang Miyerkoles nang ibunyag ni Lito Banayo, campaign manager ni presidential aspirant Isko, na si Poe ang kanilang first choice para maging ka-tandem sana ng alkalde.

“She couldn’t, she did not agree, principally because I guess one, the personal relationship between her family and Senate President Tito Sotto that weighed on her decision,” ani Banayo. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?