18

Oct 12, 2021 @ 14:17
By

Dahil kay ‘Maring’: 9 utas, 11 nawawala

Siyam na indibidwal ang naitalang nasawi habang 11 naman ang pinaghahanap pa dahil sa pananalasa ng bagyong “Maring” sa bansa.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Martes, 3 sa 11 nasawi ay mula La Trinidad, Benguet.

May naitala ring namatay sa lanslide sa Ampucao, Itogon, Benguet.

Dahil din sa pagguho ng lupa, idineklarang ‘missing’ ang 2 inbidiwal sa Central Ambiong sa La Trinidad at isa naman sa Tuding, Itogon, Benguet.

Bukod dito, kasalukuyang pinaghahahnap din ng mga awtoridad ang isang residente ng Badoc, Ilocos Norte na siyang pinaniniwalaang nalunod.

Naitala rin ang 4 katao sa Narra, Palawan na nawawala dahil sa flash flood.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,