321

Jun 11, 2020 @ 19:54

Dahil kay Maria Ligaya: Lea Salonga nagmura sa socmed

Napamura si Lea Salonga kaugnay sa natuklasan na bio details niya sa Wikipedia. Nabuwisit ang award-winning Broadway star sa maling pangalang nakasulat sa tinaguriang free encyclopedia online.

“So, it seems someone in Wikipedialand is insisting that my first name is MARIA LIGAYA. That person is, pardon my French, a f***ing idiot. My first name is MARIA LEA CARMEN. And I can prove it. Ugh!”

Walang ibinigay na dahilan kung bakit mali ang pangalang inilagay sa Wikipedia gayong imposibleng hindi kilala ito sa laki ng pangalan nya sa Broadway arena.

Sa pagsilip namin sa pangalan ni Lea sa nasabing net encyclopedia, buung-buo ang totoo nitong pangalan at naroon pa ang kanyang signature.

Buo at totoo ang pangalang nakasulat pero napansin nitong may karugtong na Muhlach sa apelyido nitong Salonga.

Nilagyan ng color marker ng following na si Lira o @leyuuuhh1219 ang “Muhlach” word.

Saad ng following, “I saw this while scrolling through the previous edit section. Gusto niyang lagyan ng Muhlach yung name mo.”

Maaring may gustong gumalaw ng bio ni Lea pero nabigo.

Sa pagsilip namin sa Wikipedia ng Kapamilya star kumpleto at totoo ang name nito. Meron pa syang signature.

Darren nawiwiling maghubad

Nagugustuhan na ni Darren Espanto ang paghuhubad sa social media. Sa latest post niya sa Instagram ay nagtanggal na naman siya ng damit.

Nagposte ng TikTok entry si Darren sa IG ng “Wipe Mirror Challenge”, at dito muling ipinangalandakan ng signer ang hubad na katawan.

Siyempre, nagtilian sa kilig at pagnanasa ang kanyang mga fan sa paghuhubad ng kanilang idol. Eh, di ba nga, kamakailan lang ay nagbalandra siya ng topless body niya na kuha sa dagat, bilang pakikiisa sa World’s Ocean’s Day.

Mapapansin lang na hilaw pa o bubot pa ang katawan ni Darren.

Mundo ng pelikula naghihingalo na

Posibleng tuluyan na ngang mamatay ang Philippine movies kung pipilitin ng mga filmmaker na magtrabaho sa gitna ng COVID-19.

Ito ang mensahe ni Direk Erik Matti sa pinoste niyang video sa Instagram, na kung saan ay makikita ang mga kabataang gumagawa ng pelikula gamit ang cellphone.

Nakahiga sa kahoy ang isang bata na may hawak na kamera at hinihila ng isa pang bata. Kinukunan nito ang kanyang artistang naglalakad, habang may kausap sa telepono.

Walang suot na protective gear ang mga kabataan. At `yun ang pinupunto ni Direk Matti.

“With the deadly virus, this is how we look like in our rush to back to work. Go die Philippine movies,” sabi niya.

Rocco nagbuhat ng bigas, munggo, daing

Napasabak ang lakas ni Rocco Nacino nang sumama siyang mag-load ng sako-sakong relief goods sa Philippine Navy na ipamamahagi sa mga kapuspalad.

Sa caption ni Rocco, itinuring niyang work out ang ginawa niyang pagbubuhat ng mga bigas, monggo beans, at mga dried fish.

Umaabot sa 1,500 relief pack ang binuhat nina Rocco paakyat sa trak, at

ibinaba rin nila sa headquarters sa Fort Bonifacio.

Pero, parang balewala kay Rocco ang pagod at nagawa pa niyang i-flex ang mga muscle sa braso.

Joseph Marco sikat sa Malaysia

Masiselyuhan na ang pagiging international actor o Asian actor ni Joseph Marco, sa nalalapit na paglabas ng season two ng “The Bridge” sa Viu Original, sa Malaysia.

Nag-post si Joseph sa Instagram ng poster ng serye nila, na kasama ang mga big star sa Malaysia. Malaking achievement nga ito kay Joseph.

“This was one of the most memorable experiences I’ve had as an actor and hope you can watch and support all the hardwork that the cast and crew put in making this! Stay tuned! #TheBridgeSeason2 #Viuoriginal @Viumalaysia,” say niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?