242
Dahil kay Inday Sara: Alvarez, Cayetano, delikado sa pagka-House Speaker
May 27, 2019 @ 15:02
By

Dahil kay Inday Sara: Alvarez, Cayetano, delikado sa pagka-House Speaker

May epekto ang mga naging pahayag ni Davao City Mayor Sara Duterte sa pagka-House Speaker nina Congressman Pantaleon Alvarez at bagong halal na Taguig 1st District Rep. Alan Peter Cayetano.

Ayon kay House minority leader Danilo Suarez, nagkaroon ng bigat ang mga patama ni Sara kay Alvarez at Cayetano para posibleng mapurnada ang kanilang bid para sa Speakership.

“I will not say that it will somewhat influence the thinking of the members…it’s the choice of the members but dun sa pangyayaring yan na nagkaroon ng mabigat na statement si Mayor Sara, medyo magkakaroon ng weight ‘yan doon sa pagpili ng mga…hindi pa decided na members ng House,” ayon kay Suarez.

Matatandaan na sinabi ni Sara na hindi niya mapapatawad si Alvarez dahil hindi raw sincere ang paghingi nito ng sorry.

“Alvarez was, and he remains to be, a very dangerous, Machiavellian individual who does not deserve peace,” saad ng mayora.

Samantala hindi naman nababahala si Sara sa banta ni Cayetano na iiwan ang coalition ng administrasyon sakaling iendorso nito si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?