99

Mar 13, 2020 @ 12:45
By

Dahil ‘di nagkasundo: Lolo pinugutan ng ulo ng katrabaho

Patay ang 70-anyos na lolo matapos pagsasaksakin at pugutan ng ulo ng kanyang katabaho dahil sa pagtatalo sa Barangay Telbang, Bayambang, Pangasinan noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng Bayambang Police Station (BPS) ang biktima na si Alfredo Manliklik ng nasabing barangay.

Samantala, ang suspek na agad na naaresto ay si Kenneth Rodriguez ng nasabing bayan.

Sa report, ayon sa BPS, nagising umano ni Rodriguez na tila balisa, saka ginising ang biktima at isa pa nilang kasamahan sa trabaho na si Marvin Aguilar, 30 anyos.

Dito, kumuha umano ang suspek ng kutsilyo saka sinundan ang dalawa na tumakbo sa ikalawang palapag ng tinutuluyang bahay sa Barangay Telbang.

Naabutan ng suspek ang biktima, pinagsasaksak, at pinugutan ng ulo.

Sinabi ng pulisya, kwento ng kaanak ng biktima, minsang hindi nito nakasundo ang isang katrabaho sa ‘di nalamang dahilan.

Nahaharap naman sa kasong murder si Rodriguez na nakakulong ngayon sa BPS jail.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?