151

Oct 8, 2021 @ 10:40
By

Dahil ‘di na dilawan’: Leni supporters mga “anak ng fuchsia”

Dahil tumakbong independent at kulay pink ang ginamit sa pangangampanya, sinabi ng supporters ni Vice President Leni Robredo na hindi na sila matatawag na ”Dilawan.”

Anila, mahihirapan na ngayon ang kanilang bashers na mag-isip ng ibabansag sa kanila.

Anang supporters ni VP Leni sa Twitterverse, tatawagin silang “maminkmink” o kaya nama’y “anak ng fuchsia.”

Nito lamang Huwebes nang kumpirmahin ni VP Leni ang kanyang kandidatura sa pagkapangulo sa susunod na taon.

Sa kaparehong araw, naghain na rin siya ng kayang certificate of candidacy kasama ang dalawang anak niya na sina Aika at Tricia. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?