58

Oct 5, 2021 @ 16:59
By

Dahil ayaw paturok: Irving simot ang sahod

Limpak-limpak na salapi ang mababawas sa sahod ni Kyrie Irving dahil sa katigasan ng ulo niya na ayawan ang pagbabakuna kontra COVID.

Sa batas na umiiral sa New York City kung saan naroon ang home court ng Brooklyn Nets na Barclays Center, bawal sa indoor events ang mga hindi pa bakunado.

Kaya’t sa paglarga ng NBA season ay manganganib na hindi makalaro si Irving sa mga home games ng Nets.

Bukod sa maaari nitong ika-bulilyaso ang tangkang magkampeon ng Brooklyn, nanganganib din ang malaking kaltas sa sahod ng All-Star guard.

Base sa umiiral na batas sa NBA, nasa $380,000 ang mawawala kay Irving kada home game na hindi siya makakalaro dahil ayaw niyang magpaturok. At kung magiging matigas siya, ang makakaltas sa kanyang sahod sa buong season ay mahigit $15 milyon.

Sa Oktubre 24 (oras sa US) ang unang home game ng Nets sa 2021-2022 season, laban sa Charlotte Hornets. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?