112

Nov 7, 2019 @ 17:47
By

Dahil ayaw ng admin sa CBA: Unyon ng Pepsi magwewelga

Nagbabanta ng welga ang mga manggagawa ng Pepsi-Cola Products Philippines Inc. (PPCPI) sa Davao sakaling hindi makipag-usap ang management tungkol sa collective bargaining agreement (CBA).

Binigyan na ng Pepsi Cola Employee Workers Unions (PEWU) ang PCPPI ng notice of strike dahil tumangging makipag-usap ang pamunuan para sa negosasyon.

Ang PEWU ay kaalyado ng Federation of Coca-Cola Unions-Sentro.

Sabi ng PCPPI, pumayag na ang parehong panig na dumaan sa mediation ang negosasyon para makabuo ng kasunduang tatanggapin nila pareho.

Nagtakda na ng marathon discussion ang management at unyon sa November 25, November 27, at November 28 para matapos ang CBA na katanggap-tanggap sa parehong panig. (Eileen Mencias)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?