100

By

Dahil ang tagal ng TF: Ethel Booba ayaw nang mag-TV guesting

Nagpatama na naman ang komedyanteng si Ethel Booba sa Twitter, ngunit hindi sa politiko kung hindi sa ilang TV shows.

Sa Twitter, nagpasabog si Booba nang ilantad nitong may mga guesting siya sa telebisyon na hindi pa rin bayad kahit lumipas na nang ilang buwan.

“Kaya nakakatamad na mag guest sa TV show kasi merong iba dyan mag almost 1 year na di pa ma-claim ang TF sunod meron ding more than 5 months na ata,” saad niya.

Nang manghingi ang isang netizen ng isa sa mga tinutukoy na show ni Booba, game siyang sumagot.

“Minute To Win It. Ilang minutes ako nag-antay sa bangko wala pa din pala eh mag 1 year na. Charot!,” saad niya kaninang 5:08 pm, Setyembre 22, 2019.

Matatandaang Marso 2019 nang lumabas si Ethel sa nasabing game show ng ABS-CBN.

Dahil dito, naisip ni Ethel na sa Skype na lang umano siya magsho-show. “Charot!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?