65

Aug 12, 2021 @ 23:28
By

Dagsa nakiramay kay Fajardo

Marami sa komunidad ng basketbol ang nagpaabot ng pakikiramay kay six-time Philippine Basketball Association Most Valuable Player June Mar Fajardo kaugnay sa pagkamatay ng ina na si Marites sa Cebu nitong Miyerkoles.

Aminadong mama’s boy ang San Miguel Beer stalwart, patunay nang isama ang ina at ama nang tanggapin ang sixth MVP trophy niya sa pro league’s annual awards night .

“Ramdam na ramdam kita tol. Sakit lang talaga. Gusto man kita yakapin or puntahan pero alam ko gusto mo muna mag-isa. Dito lang kami tol! Love you tol! Condolence tol,” mensahe sa Instagram Huwebes ni Pingris, dating national teammate ng Beerman center sa Gilas Pilipinas at kakaretiro lang sa Magnolia Pambansang Manok.

“Prayers to my brotha! Be safe out there everyone. Dont take 1 minute for granted,” tweet naman ni Barangay Ginebra San Miguel big man Joe Devance.

“Bigger than sports” sey naman ni Chris Ross na tropa niya sa San Miguel.

Bumuhos rin ng pakikiramay ng mga basketball fan at netizen kay Fajardo sa social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?