86

Jun 24, 2020 @ 18:41
By

Dagdag tulong hinirit para sa transport coops

Hinirit ni Iligan City Rep. Frederick Siao sa DOTr, DOF, at DTI na palawakin pa ang financing options ng mga transport cooperative para sa PUV modernization program.

Kasabay na rin ng kanyang panawagan na kailangang magkaisa ang mga PUJ operator at driver sa pamamagitan ng kooperatiba upang makabangon sa COVID-19 pandemic.

Ayon sa solon, dapat palawakin pa ang financing options ng transport coops upang mas magiging madali na sa mga ito ang makapagsimula sa pagkuha ng modern units at palawakin ang kanilang ruta.

Kailangan umanong marami pang bangko at financial institutions ang makiisa sa PUV modernization program dahil hindi umano ito kakayanin ng DBP at Landbank na tanging nagsilbing ‘financial conduits’ na sumusuporta sa transport cooperatives.

“It would be affordable though if PUJ operators come together in cooperatives, corporations, partnerships, or joint ventures because these other forms of business organizations can put together more capital, apply for grants and concessional loans, get NGO support, and avail of foreign aid, so they can afford to acquire what the DOTr refers to as modern jeepneys,” ayon kay Siao.

Dagdag pa ng kongresista, ang DOTr ay kailangan tiyakin din na ang LTO, LTFRB, at Office of Transport Cooperatives ay sumunod sa Ease of Doing Business Law upang hindi na mahirapan pa ang transport operators na magrehistro at mag-renew.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?