73

Oct 24, 2017 @ 12:33

Dagdag-trabaho sa 2 Chinese firms investment

Nagpahayag ng intensiyon ang dalawang Chinese companies na mamuhunan ng $4.5 bilyon sa bansa.

Ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, ang Huili Investment Fund Management Co., Ltd. at Yi Ding Tai International Corp., ay nasa negosyo ng bakal at paggawa ng mga barko.

Ayon pa sa kalihim, ang interes sa pamumuhunan ng dalawang kumpanya ay ipinaalam na sa DTI-Board of Investment (BOI).

At kapag natuloy, dagdag pa ni Lopez, 8,000 sa ating mga kababayan ang magkakaroon ng trabaho.

“This is one of several investment proposals we have received on the steel industry that will allow us pursue President Duterte’s vision of having a globally competitive iron and steel industry, to support the growing economy, to alleviate poverty, and to create jobs for every Filipino,” sabi pa ni Lopez.

Aniya, ikinunsidera ng dalawang kumpanya ang Pilipinas dahil bahagi ang bansa ng Maritime Silk Road na magpapadali sa transportasyon ng kanilang mga produkto, bukod pa sa mura ang pagnenegosyo sa bansa. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?