45
Dagdag-singil sa tubig, hold muna
By

Dagdag-singil sa tubig, hold muna

Hiniling ng isang samahan ng mga consumer sa pamunuan ng Manila Water na huwag munang ipatupad ang dagdag na singil sa tubig simula ngayong buwan dahil na rin sa nararanasan pang krisis sa supply ng tubig sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay Victor Mario Dimagiba, lead convener ng Laban Konsyumer Inc., palpak ang operasyon at hindi naman nagagampanan ng Manila Water ang dapat na 24/7 serbisyo nila kaya wala itong ‘K’ na mangolekta ng dagdag-singil sa tubig.

“‘Wag muna silang maningil ng increase na aabot sa P2.10 per cubic meter simula ng March 7, 2019. Ang breakdown nu’n ay noong October, P1.46 per cubic meter at nitong 2019 dahil sa inflation is P0.64 kaya ang total nun ay P2.10,” ayon kay Dimagiba.

Inaprubahan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang dagdag-singil sa tubig sa pagitan ng Manila Water at Maynilad na naging epektbo noong Enero 1, 2019.

Ani Dimagiba, sumulat na sila sa Manila Water para huwag muna itong ipatupad pero hindi pa sumasagot ang huli.

Sa pagdinig ng Senado nooong nakaraang linggo, sinabi ng Manila Water na bukas sila sa water rate adjustment para makagaan sa mga consumer nila na apektado ng krisis sa tubig, partikular sa Silangang bahagi ng Metro Manila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?