58

By

Dagdag-singil sa kuryente ngayong Pebrero, kasado na

Aarangkada na ngayong buwan ang dagdag-singil sa konsumo sa kuryente matapos ang dalawang buwang pagtapyas sa singil ng Meralco.

Ayon sa kompaniya, sapat na ang pagbibigay ng mababang singil sa kuryente noong Disyembre 2017 at Enero 2018 dahil na rin sa inaasahang malamig na panahon kung saan hindi kumukonsumo ang mga residente ng mataas na metro.

Dagdag pa nito, dahil na rin ito sa maaliwalas na klima at lower demands na paggamit ng kuryente, kasabay ng paglakas ng piso kontra sa dolyar.

Ayon kay Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga, ang dagdag-singil ay dahil sa pagbalik sa normal ng presyo ng kuryente sa mga power plant mula sa mas mababang halaga nito noong Disyembre at Enero.

Una nang sinabi ng pamunuan ng Meralco na posibleng bumawi ngayong buwan dahil sa pagtaas ng tax sa coal sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law at ang pag-iral ng value added tax sa transmission charge.

“The impact to us is around a couple of centavos, starting most probably 2018 February. ‘Pag nag-take effect na ‘yan kasi, around 30 percent kinukuha namin from coal-fired power plants,” ayon kay Zaldarriaga.

Mula sa P10 per metric ton, ang tax ng coal ay tataas sa P50 per metric ton sa 2018 na nangangahulugan na tataas ng P100 at P150 pagdating ng 2019. Asahan na tataas ang singil ng kuryente ng P1.52 kada kilowatt hour sa 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?