55

Jan 12, 2020 @ 15:41
By

Dagdag-sahod ng mga obrero sinulong

Suportado ng Philippine Contractors Association (PCA) ang panukala ng Department of Trade and Industry (DTI) na dagdagan ang sahod ng mga construction worker.

Kasabay nito ang pagsusulong ng pagbibigay ng mga benepisyong pabahay, pang-edukasyon, at pensiyon para sa mga manggagawa at kanilang pamilya.

Ayon sa pamunuan ng PCA, kaakibat din sa kanilang labor force ang pagtaas ng productivity, kaya pinaburan ng mga manggagawa sa konstruksyon ang panukala ng DTI.

Nanindigan pa ang mga manggagawa na kulang ang minimum na P600 pesos na sahod nila bilang construction worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?