214

By

Dagdag-sahod ng gov’t employees, kasado na sa 2018

Sharing is caring!

Magkakaroon na ng katuparan ang inaasahang dagdag-sahod sa mahigit 1.2 milyong kawani ng gobyerno sa pagpasok ng 2018 makaraang ihayag ng Department of Budget and Management (DBM) na ipapatupad na ang ikatlong tranches ng salary increase.

Sinabi kahapon ni Budget Secretary Benjamin Diokno, naglaan na ang gobyerno ng tinatayang P24 bilyon mula sa 2018 proposed national budget.

Ang ikatlong tranche ay magiging epektibo sa Enero 2018 at makikinabang dito ang lahat ng mga kawani sa ehekutibo, lehislatibo at hudikatura, at kasama rin sa compensation adjustment scheme ang mga manggagawa sa State Universities and Colleges o SUCs.

Bukod sa umento sa sahod, makakatanggap pa rin ng allowances at benepisyo ang mga kawani ng gobyerno, gaya ng mid-year at year-end bonus na katumbas ng isang buwang sahod, cash gift at productivity enhancement incentive.

Pero para sa mga sundalo at pulis na pinangakuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng dobleng sahod, sinabi ni Diokno na kailangan pang dumaan sa Kongreso ang joint resolution na nagtatakda ng increase sa base pay ng mga ito at sa sandaling maaprubahan ay madadagdagan na ang kanilang take-home pay.

Kapag naipatupad na ang salary increase, madadagdagan ng mahigit P70K ang sahod ng Presidente mula sa kasalukuyang tinatanggap na mahigit P215K o nasa salary grade 33 na siyang pinakamataas na grade para sa mga manggagawa ng gobyerno, katumbas ng 34.1%

Nakatakdang ilabas ng DBM ang guidelines para sa implementasyon ng third tranche ng compensation adjustment sa Enero 2018.

Ang fourth tranche at huling umento ay naka-schedule naman sa 2019. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }