50

Oct 7, 2017 @ 15:23

Dagdag pondo sa Marawi rehab, lusot sa Senado

Tiniyak ni Senate Finance Committee Chairperson Loren Legarda ang karagdagang pondo para sa agarang pagbangon ng Marawi City.

Ayon kay Legarda, bukod sa pondo sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRM para sa rehabilitasyon ng Marawi, naglaan din ang Senado ng dagdag na pondo upang matiyak ang mabilis na recovery ng lungsod.

“In light of Marawi City’s current situation, we are making available Ten Billion Pesos of the NDRRM Fund for 2018 for the city’s quick recovery, reconstruction, and rehabilitation.

This amount is on top of the Five Billion Pesos given this year from the Contingent Fund and funds of different government agencies,” pahayag ni Legarda.

Nakahanda rin anya ang P500 milyong subsidy para sa loan ng mga residente para sa pagtatayo ng kanilang mga nasirang bahay.
Ang loan ay walang interes subalit limitado lamang hanggang P2 milyon sa bawat household na may kaunting administrative cost para sa pagproseso.

Inaprubahan din ng Senado ang P1 Billion na pondo ng Shared Service Facilities Project ng Department of Trade and Industry at P50 Million na pondo sa micro, small and medium enterprises na apektado ng gyera.

Naglaan din ng karagdagang P5 Million para sa cultural mapping na isasagawa ng Mindanao State University (MSU).

“These budgets go with our fervent prayer that we may immediately see hope, dignity, and peace restored in Marawi City and other affected areas,” pahayag pa ni Legarda.(Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?