88

Oct 21, 2017 @ 15:51

Dagdag pondo sa Marawi rehab, dumagsa pa

Natanggap na ng Department of Health (DOH) ang karagdagang P350 million na halaga ng quick release fund na gagamitin para rehabilitasyon ng mga imprastraktura sa Lungsod ng Marawi City.

Kinumpirma ito ni DOH Officer-In-Charge Herminigildo Valle.

Aniya, aniya ang nasabing halaga ay karagdagan sa nauna nang halos P137 million na nauna nang natanggap ng ahensya para sa rehabilitasyon ng Marawi.

“Almost mga P137 million na ating nagagastos diyan, plus meron pang P350 million na quick release funds na nakuha namin recently, gagamitin din diyan sa infrastructure, sa rehabilitation,” paliwanag ni Valle.

Gagamitin ang pondo para umano sa pagsasaayos ng mga nasirang gusali sa nasabing Lungsod.

Idinadag pa ni Valle na balik na sa operasyon ang Amai Pakpak Medical Center, at katunayan, may mga pasyente na ang ospital na isinasailalim sa operasyon at dialysis.

Dahil kulang pa ang mga hospital worker sa Amai Pakpak, tumutulong umano sa operasyon ng ospital ang mga medical staff na mula sa iba’t ibang rehiyon. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?