28

Nov 11, 2021 @ 16:44

Dagdag pondo para sa climate change isinulong ni Tolentino

Humirit si Senador Francis ‘Tol’ Tolentino ng dagdag pondo para sa mga inisyatibo ng pamahalaan na may kinalaman sa climate change upang umayon sa mga pandaigdigang tratado na pinasok ng bansa.

Sa pagdinig ng Senado sa panukalang P5.024 trilyong pambansang budget para sa susunod na taon, pinuna ni Tolentino ang katiting lamang na alokasyon para sa climate change sa ilalim ng 2022 National Expenditure Program (NEP).

Ayon kay Senate Finance Committee chair Juan Edgardo Angara, nasa 5.5 porsiyento lamang o naglalaro sa P284.5 bilyon ang climate change expenditures ng mga ahensya kagaya ng Department of Agrarian Reform, Department of Agriculture, Department of Energy, Department of Environment and Natural Resources, Department of Foreign Affairs at Department of Health.

“The Philippines plans to lead climate change response and mitigation but its budget is miniscule,” ani Tolentino.

Ang nasabing halaga ay hindi sapat upang suportahan ang mga ‘commitments’ ng bansa sa ginaganap na COP26 sa Glasgow, Scotland.

“The climate change summit will end tomorrow and there will be commitments and signing activities that would implicate not just promissory initiatives on the part of the Philippine government but real tangible commitments, such as the budgetary making process,” dagdag pa ng senador.

Muling pinaalalahanan ni Tolentino ang mga opsiyal at kawani ng pamahalaan na ang mga kasalukuyang tratado na pinasok ng gobyerno ay magiging bahagi ng mga batas na ipinatutupad sa bansa sa oras na ratipikahan ito ng Senado.

“I endeavor the career members of the Cabinet economic cluster to take that in mind as you move along even though this is a swan song, that there will be commitment to have a net zero greenhouse gas emissions target by 2050,” ani Tolentino.

Dapat umanong tumupad ang Pilipinas sa mga napagkansuduang tratado lalo na ang pagbawas ng methane emissions ng 30 porsyento ngayong dekada at ang pagpigil sa deforestation ng kagubatan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?