53

Dec 2, 2017 @ 16:07
By

Dagdag pondo, ihihirit ng PNP sa paghawak muli sa drug war

Hihiling na lamang daw ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagang pondo o supplemental budget para sa war on drugs ng gobyerno kung muling pangungunahan ang anti-illegal drugs operations.

Kasunod ito ng desisyon ng Senado na ilipat na lamang sa pabahay ng mga pulis at sundalo ang P900 milyong pondo sana sa war on drugs para sa susunod na taon.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt. Dionardo Carlos, mahirap para sa kanilang ikasa ang war on drugs kung walang pondo.

“I think that will be one of the moves kasi mahirap naman po na papasok tayo sa ibang activities o operation that we don’t have the necessary funding kaya nga po pinaplano ‘yung ating budget proposal for almost a year and then deneliberate sa Congress dahil nakikita nga natin noon ay magpapatuloy tayo sa kampanya laban sa droga sa susunod na taon,” sabi ni Carlos.

Magkagayunpaman, nagpapasalamat pa rin sila sa Senado at Kongreso dahil iniisip ang kapakanan ng mga pulis at sundalo sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para sa pabahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?