10

Apr 26, 2021 @ 10:14
By

Dagdag P65M laan sa NCR contact tracing

Naglaan ng dagdag na P65-milyong pondo ang Department of Labor and Employment na maaaring magamit ng mga lokal na gobyerno sa National Capital Region para sa kanilang contact tracing.

“Maari nang palakasin ng lokal na pamahalaan, sa pamamagitan ng kani-kanilang Public Employment Service Offices (PESO), ang kanilang contact tracing gamit ang karagdagang pondo,” ani DOLE Secretary Silvestre Bello III.

Una nang sinabi ng kalihim na pwedeng mag-recruit ang mga LGU ng contact tracer sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) workers program ng DOLE.

Hanggang nitong Abril 22, banggit ni Bello, tumanggap na ang mga LGU ng 10,000 aplikasyon para sa contact tracers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?