90
Dagdag na trial court, aprub na sa House committee
Nov 19, 2019 @ 19:38
By

Dagdag na trial court, aprub na sa House committee

Inaprubahan na ng House Committee on Justice ang pagbuo ng karagdagang mga sala courts sa pitong mga pangunahing lalawigan.

Sa pamumuno ni Leyte Rep. Vicente “Ching” Veloso, inaprubahan na ng panel ang House Bills 2423, 2510, 2523, 2655, 2668, 2698, 2884 at 2954, na may mga layong masolusyunan ang mga natetenggang kaso sa mga korte sa bansa.

Ang pag-apruba ay kasunod ng pagkalampag ng Office of the Court Administrator sa pagsasabatas ng walong panukala.

Sandaling maging pormal na mga batas na ito, magkakaroon na ng karagdagang branches ng Regional Trial Court sa second district ng Zamboanga del Norte na mayroong nasa higit 3,000 na caseload.

Ito ay may mga istasyon sa munisipalidad ng Sindangan at lungsod ng Dipolog.

Magtatatag din ng karagdagang branch ng RTC sa Sixth Judicial Region na ilalagay sa Victorias City, Negros Occidental.

Isa ring karagdagang branch ng RTC sa Abra ang itatatag sa munisipalidad ng La Paz at Negros Occidental, dalawang additional branches ng RTC sa Camarines Norte na ilalagay sa munisipalidad ng Daet at Labo at isang additional branch ng RTC sa municipality ng Moalboal sa Cebu.

Ang mga panukala ay pormal nang inendorso sa plenaryo para sa deliberasyon at pag-apruba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?