436

Mar 2, 2019 @ 20:47
By

Dagdag-kontribusyon sa SSS, epektibo na sa Marso 5

Ipatutupad na umano sa Martes, Marso 5 ang pagtataas sa kontribusyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS).

Alinsunod umano ito sa Republic Act No. 1119 na layong magpalakas sa pondo ng ahensiya.

Mula umano sa 11 porsiyento na kontribusyon ay aakyat na sa 12 porsiyento ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro.

Apat na porsiyento ng kontribusyon ang babalikatin ng mga empleyado na SSS member habang walong porsiyento ang sasagutin ng mga employer o kumpanya.

Makakaasa naman umano ang mga miyembro nila ng mas malaking benepisyo dahil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?