79

Feb 9, 2018 @ 16:40
By

Dagdag ebidensiya sa DAP fund controversy, isinumite sa DOJ

Ibinigay sa Department of Justice (DOJ) ng karagdagang mga ebidensya kaugnay sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) si dating Manila Councilor Greco Belgica kasama ang mga myembro ng Coalition for Investigation and Prosecution.

Bahagi pa rin umano ito ng case build-up para sa reklamong kriminal na maaring ihain laban kay Dating Pangulong Noynoy Aquino at sa iba pang dating opisyal sa gobyerno na pasimuno ng DAP.

Sa liham kay DOJ Secretary Vitaliano Aguirre II, kasama sa mga isinumite ang listahan ng 82 Kongresista na umano’y tumanggap ng DAP noong November 23, 2011 na nagkakahalaga ng P819 million.

Kabilang din sa isinumite ang unang buhos ng DAP fund para sa mga myembro ng Kamara de Representantes mula October 12, 2011 hanggang December 31, 2011; pati na ang listahan ng mga senador na diumano’y tumanggap ng DAP mula November 16, 2011 hanggang December 22, 2011, at noong December 13, 2011 o ang araw kung kailan naihain sa Senado ang Articles of Impeachment laban kay Dating Chief Justice Renato Corona.

Isinumite rin ang Journal No. 41 na may petsang May 22, 2012 kaugnay ng impeachment trial ni Corona kung saan sinabi niya na ang dahilan ng pagpapaimpeach sa kanya ay ang desisyon ng Korte Suprema sa kaso ng Hacienda Luisita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?