69

Nov 29, 2021 @ 12:17
By

Dagdag-diskwento para sa mga tanders umusad sa Kamara

Inaprubahan ng House Committee on Ways and Means ngayong Lunes ang panukala na magbibigay ng mas malaking diskwento at Value Added Tax (VAT) exemption sa kuryente at tubig ng mga senior citizen.

Walang miyembro ng komite na tumutol sa mosyon ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles na aprubahan ang substitute bill para sa House Bill 1903 at 3040 kaya inaprubahan ito ng chairman ng komite na si Albay Rep. Joey Salceda.

Sa ilalim ng panukala, aamyendahan ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 (Republic Act 7432).

Sa kasalukuyan, sinabi ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing, isa sa may-akda ng panukala, na binibigyan ng 5% discount ang mga senior citizen sa kuryente kung hindi lalagpas ang kanilang konsumo sa 100 kiloWatt house at 30 cubic meter naman sa tubig.

Sa ilalim ng panukala, itataas sa 10% ang discount na ibibigay sa senior citizen kung hindi lalagpas sa 150 kWh ang konsumo sa kuryente at 30 cubic meter naman sa tubig.

Hindi na rin papatawan ng 12% VAT ang kanilang konsumo.

Tutol sa panukala ang Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ayon kay Lyonel Tanganco, ng DOF aabot sa P5.5 bilyon ang mawawalang kita ng gobyerno sa ilalim ng panukala.

Taliwas din umano ito sa layunin ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na pag-ibayuhin ang koleksyon sa VAT at maaari ring magdulot ang panukala ng tax leakage.

“One possible leakage is when households continue to enjoy the proposed benefit even if the declared senior citizen under whom utilities is registered is no longer living,” paliwanag ni Tanganco.

Sinabi naman ni APEC party-list Rep. Sergio Dagooc na suportado nito ang panukala bagamat may alinlangan sa pagtataas ng ibinibigay na discount sa kuryente dahil ang papasan nito ay ang ibang konsyumer.

“I have no problem with the VAT exemption…. However the discounts (given to senior citizens) will be paid by non-senior citizens” sabi ni Dagooc. (Billy Begas)

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?