13

By

Dagdag-buwis sa petrolyo, hinog na para suspendihin – DOF

Sharing is caring!

May sapat na umanong dahilan para suspendihin ang pagtataas ng excise tax sa petrolyo.

Sa panayam ng Super Radyo DZBB, sinabi ni Department of Finance (DOF) Assistant Secretary Tony Lambino na ito’y ang inaasahan na patuloy pang pag-akyat ng presyo ng petrolyo sa international market.

Umakyat ito sa $80 kada bariles at pataas pa umano hanggang Disyembre.

Sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, iniuutos na suspendihin ang pagtataas ng buwis kapag tatlong buwang sunod-sunod na $80 kada bariles.

Sa nasabing batas, iniuutos na dagdagan ng P2.00 ang excise tax kada litro ng gasolina, diesel at kerosene sa susunod na taon.

Ayon kay Lambino, awtomatiko ang suspensiyon nito batay sa mekanismo ng TRAIN Law at hindi kailangan ng bagong batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?