13

Jun 10, 2021 @ 21:15
By

Dagdag buwis sa mga pribadong paaralan suportado ng Malacañang

Suportado ng Malacañang ang posisyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na taasan ang corporate income tax ng mga pribadong paaralan sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na nagsalita na at nagbigay na ng posisyon si Finance Secretary Carlos Dominguez at ito ay sinasang-ayunan ng Palasyo.

“Nagsalita na po ang ating kalihim ng Department of Finance and we are of course support the position of the Secretary of Finance,” ani Roque.

Ang interpretasyon aniya ng BIR sa non-profit schools ay dapat siyento porsiyento ng kanilang kinikita ay hindi napupunta sa ibang layunin, maliban sa dapat na paggamitan nito.

Nauna rito nagbabala ang mga pribadong paaralan na mapipilitan silang magsara o magtaas ng singil sa matrikula dahil sa hindi napapanahong desisyon ng BIR na magtaas ng singil sa corporate income tax ng hanggang 150%.

Dalawang malalaking samahan ng pribadong paaralan ang naghain ng petisyon sa Court of Tax Appeals para hilinging pigilan ang BIR sa paniningil ng mas mataas na corporate income tax.

Iginiit ng mga asosasyon ng private schools na labag ang hakbang ng BIR sa Tax Code at sa Saligang Batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?