24

Sep 7, 2021 @ 19:59
By

Dagdag benepisyo sa abogado ng gobyerno pasado sa Kamara

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na magbibigay ng dagdag na benepisyo sa mga abogado ng gobyerno.

Walang tumutol sa pagpasa ng House Bill 10007 na nakatanggap ng 198 boto.

Sa ilalim ng panukala bibigyan ng karagdagang benepisyo ang mga abogado ng Office of the Solicitor General, National Prosecution Service at Office of the Ombudsman.

Ang mga kuwalipikadong abogado ay bibigyan ng retirement benefit na ang halagaay depende sa kanilang suweldo at sa bilang ng taon ng kanilang pagseserbisyo.

Sila ay bibigyan din ng gratuity pay kapag sila ay nagretiro o kung sila ay napilitang magretiro dahil nagkaroon ng permanenteng kapansanan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Ang mga retiradong Solicitor General, Assistant Solicitor General, Senior State Solicitor o State Solicitor ay makatatanggap din ng buwanang retirement pension.

Kung mamamatay sa serbisyo, ibibigay sa kanilang pamilya ang death benefits.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?