32

By

Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo sa Martes

Magpapatupad ng dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo.

Sa anunsiyo ng Petron Corporation sa araw ng Martes, Nobyembre 12 ipapatupad ang dagdag-bawas sa kanilang mga produktong petrolyo na epektibo ng alas-6:00 ng umaga.

Nasa P0.85 kada litro ang taas sa presyo ng gasolina habang P0.15 kada litro sa diesel. P0.10 naman ang bawas sa presyo sa kerosene.

Ang bagong bawas presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?