83

Nov 16, 2019 @ 15:42
By

Dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo nakaamba

Sa susunod na linggo ay may nakaamba na namang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa abiso ng kumpanyang Unioil, nasa P0.25 sentimos hanggang P0.30 sentimos ang posibleng pagbaba kada litro ng kanilang diesel.

Habang sa gasolina may dagdag na P0.80 hanggang P0.90 sentimos kada litro.

Magugunitang nitong nakaraang linggo ay nagpatupad ng pagtaas sa gasolina at rollback sa diesel ang mga kumpanya ng langis.

Ang nakaambang dagdag bawas sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan.

Tuwing araw ng Martes na ipinapatupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?