53

By

‘Dagdag-bawas’ sa China exports, bubusiin ng DOF

Sharing is caring!

Nabuking ng Department of Finance ang mga pagkakaiba sa datos ukol sa dami ng exports good mula sa China.

Bunga nito, sinusuri na ng Bureau of Customs ang export volumes mula sa China at ang datos ng na iniulat ng mga importers.

Sa ulat ni Customs Comm. Isidro Lapena kay Finance Sec. Carlos Dominguez sinabi nito na ang magkakaibang datos ay maaring bunga ng misdeclaration o undevaluation of goods.

Maari din aniya ito ay dahil sa modus na ‘consignee for hire’ kung saan ang mga exports goods ay nari-release direkta sa mga negosyante at hindi sa mga consignees.

Ayon kay Lapena sa naturang modus naiiwasan ng mga importer na magbayad ng tamang buwis naman sa Bureau of Internal Revenue.

Sinabi ni Lapena na magtutungo siya sa China para personal na suriin ang export records ng Pilipinas.

Unang sinabi ni Dominguez na nadiskubre nila na umabot sa P1.8 trilyon ang halaga ng pagkakaiba sa pagitan ng import volumes sa Pilipinas sa datos ng bansa na may export trade sa Pilipinas. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?