14

By

Dagdag allowance sa SUC, TVI faculty members hinirit ng CIBAC

Humiling ng karagdagang benepisyo ang Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) party-list para sa mga faculty member ng lahat ng state universities and colleges (SUC) at state-run technical and vocational institutions (TVIs) sa bansa.

Ito ang nilalaman ng House Bill 3218 na inihain nina CIBAC House Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva at Rep. Domingo Rivera.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng karagdagang allowance na P20,000 kada taon ang mga faculty member para sa grocery, transportation at medical expenses.

Bukod dito ang karaniwan na natatanggap na benepisyo. Ito ay ibibigay kada quarter ng taon sa halagang P5,000.

“Many laws are passed to address the needs of the students, but little, if any, are made to address the concerns and plight of those at the other side of the education sector – the teachers and instructors,” ani Villanueva.

Ayon kay Villanueva, bukod sa mataas na presyong bilihin, hinaharap din aniya ng SUCs at TIVs ang mga pagsubok at pressure na maging healthy at physically resilient.

Tumugon naman agad ang House Committee on Higher and Technical Education sa pagbuo ng technical working group kasama ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya upang maayos ang kabuuang detalye ng panukala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?